Dingdong idinirek sa commercial ang ina

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SIMULA pala nang matuto nang magdirek si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, naging dream na niyang maigawa at maidirek ang kanyang mommy, si Angelina Gonzalez Dantes sa isang commercial na kasama siya. Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Dingdong na three years old pa lamang siya ay sinasamahan na siya ng kanyang Mamata sa pagsu-shoot niya ng commercials at later on, sa pagti-taping niya sa TV at shoots ng movie. Ang Mamata rin niya ang kanyang biggest supporter and cheerleader kahit anong performances ang gawin niya.

Kaya natupad ang dream na ito ni Dingdong nang minsang gumagawa ang mommy niya ng Cheese Pimiento para sa kanyang online-selling ng @ mamatas.kitchen ay sinabayan niya ang pagsu-shoot dito. Doon nalaman ni Dingdong na three generations na pala ang paghahanda ng cheese pimiento, na namana ni Mamata sa kanyang ina, at isinalin din ng lola ni Mamata rito. Hiniling ni Dingdong na sabihin sa kanya ng ina ang sekreto ng masarap na cheese pimiento, pero ayaw nito, kay Marian (Rivera) raw niya sasabihin ang sekreto. Nang mangulit pa si Dingdong, sabi ni Mamata, “hayaan mo, baka si Zia ang magsabi sa iyo ng sekreto ng recipe ng Cheese Pimiento.” (Ibig bang sabihin ni Mamata, hihintayin pa ni Dingdong na magdalaga si Zia bago niya malaman ang sekreto?

Samantala, patuloy ang pagti-trending ng Descendants of the Sun PH nina Dingdong gabi-gabi sa mga fresh episodes na napapanood pagkatapos ng Encantadia.

-NORA V. CALDERON