Bahay, natabunan ng kawayan, 1 patay

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

LA TRINIDAD, Benguet – Patay ang isang magsasaka matapos na mabagsakan ng mga puno ng kawayan ang kanyang bahay sa kasagsagan ng malakas na hangin dulot ng bagyong ‘Ulysses’ s Atok sa nasabing lalawigan, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Col. Elmer Ragay, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, ang binawian ng buhay na si si Felix Menis Boguite, 60, binata, at taga-Talete, Busoc, Poblacion, Atok. Ayon kay Ragay,nagresponde ang mga tauhan ng Atok Police sa lugar nang mai-report sa pulisya ang insidente, dakong 4:30 ng madaling araw. Sa imbestigasyon, abala si Boguite sa pagluluto hindi nito namalayan ang biglang pagbagsak ng mga puno ng kawayan sa kabahayan dulot ng malakas na hangin. Tinamaan sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

-Zaldy Comanda