Cybersex den, ni-raid, 19 timbog

Filed under Balita, Probinsya Balita RSS RSS Feed

Inaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO)-Region 1 ang 19 na tauhan ng isang cybersex den sa sa Quezon Avenue Bgy. III, San Fernando City, La Union, nitong Miyerkules ng hapon.

Ang pagsalakay ay isinagawa sa pamamagitan ng isang search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10175 at sa Republic Act 8484 laban kay Andrea Amor Perez Torres at mga kasamahan nito.

Nasamsam ng pulisya ang 22 computer system, 1 server, at iba pang mga ebidensya.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya n ang pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso.

-Liezle Basa Iñigo