Teacher, pinatay, natagpuan sa beach

Filed under Balita, Probinsya Balita RSS RSS Feed

BAUANG, La Union – Tadtad ng saksak ng patalim ang bangkay ng isang lalaking guro nang matagpuang lumulutang sa dalampasigan ng Barangay Pagdalagan Sur sa nasabing bayan, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Joel Mendoza, 40, guro ng

Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) sa La Union Campus, San Fernando City, La Union.

Kinumpirma naman ng mga kaanak na si Mendoza ang nasabing bangkay.

Naiulat na nadiskubre ang bangkay nang puntahan ng isang mangingisda ang bangka nito upang ayusin, dakong 4:30 ng madaling araw.

Sinabi pa ng pulisya, tadtad ng saksak ang biktima na sanhi ng ikinamatay nito.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso.

Erwin Beleo