NCRPO: Krimen sa Metro Manila, bumaba

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Bumaba ang bilang ng naitalang insidente ng krimen sa Metro Manila bunsod ng epektibong pagpapakalat ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU), ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO chief, Maj. Gen. Debold Sinas, patuloy ang pagpapalakas ng presensiya ng mga pulis sa mga lansangan sa National Capital Region kaya malaking tulong ito sa pagbaba ng kriminalidad na naiulat ng TMRU magmula Oktubre 20-26, 2020.

Idinahilan ng opisyal, ipinakalat nito ang nasabing mga tauhan nito sa matataong lugar at crime prone areas upang matakot ang masasamang-loob.

Sa resulta, walong pinagtutuunang krimen ang bumaba sa kabuuang 37 insidente o 24.84 porsiyento, mula sa dating 157 ay naging 118 na lamang sa nasabing mga petsa.

Bumaba rin sa 25 porsiyento ang kabuuang insidente ng Motorcycle Riding Suspect (MRS) kumpara noong Oktubre 13-19, 2020.

-Bella Gamotea