Sarah G. aminadong nag-aadjust pa sa married life

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA virtual presscon ng Manulife na isang insurance company, pinuri ni Sarah Geronimo kung paano siya minahal at inalagaan ng kanyang mga magulang bago sila magpakasal ni Matteo Guidicelli.

sarah

Nabanggit ni Sarah na sinuguro ng parents niya, lalo na si Mommy Divine na focus lang si Sarah sa kanyang performance bilang singer/actress/endorser. Sa ngayon, tinutulungan na siya ni Matteo na mag-adjust sa married life at kung paano i-handle ang kanyang finances at investments kahit wala ng assistance ng kanyang mga magulang.

“To be honest, na-expedire ‘yung adulating ko. Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest. Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with the help of my husband.” Dagdag pa ni Sarah, “I grew up na very dependent talaga sa aking parents, kasi talagang grabe naman talaga mag-alaga ang aking mama and daddy. I keep reminding myself now na hindi na ako single.” Ang gusto sanang malaman ng fans ni Sarah ay kung nagkita na sila ng parents niya after her wedding to Matteo o kung nagkita na sina Matteo at parents ni Sarah pagkatapos nilang ikasal ni Sarah.

-Nitz Miralles