Oh! Romeo, My Romeo!

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon

(AUF Gym -Angeles City, Pampanga) 4:00 pm TNT vs. Phoenix 6:45 pm Terrafirma vs. San Miguel

APEKTADO ang kampanya ng San Miguel Beer para sa ika-6 na sunod na PBA Philippine Cup title matapos ideklarang hindi na makakalaro sa kabuuan ng ‘bubble’ si star guard Terrence Romeo.

Ayon sa ulat, ang 3-time scoring champion ay hindi na na paglalaruin sa loob ng walong linggo matapos magtamo ng dislocated right shoulder. Nakuha ni Romeo ang kanyang injury may 4:57 pang oras na nalalabi sa second quarter ng laban nila ng TNT nitong Biyernes makaraang magkabanggaan sila ni Ryan Reyes.

Nabigo ang Beermen sa nasabing laban, 88-107, na nagbaba sa kanila sa markang 1-2.

Ang 28-anyos na si Romeo ang ikalawang key player ng San Miguel na nawala sa line-up ng Beermen kasunod ni reigning 6-time Most Valuable Player June Mar Fajardo.

Samantala, umaatikabong bakbakan ang tiyak na matutunghayan ngayon sa simula ng nakatakdang double header para sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2020 PBA Philippine Cup restart sa Pampanga.

Pag-aagawan ng TNT at ng Phoenix ang liderato sa kanilang pagtutuos sa unang salpukan ngayong 4:00 ng hapon sa Angeles University Foundation Gym.

Kasalukuyang magkasunod sa ibabaw ng team standings ang Tropang Giga at ang Fuel Masters taglay ang kapwa malinis na markang 3-0 at 2-0, ayon sa pagkakasunod.

-Marivic Awitan