KathNiel nananatiling loyal sa Kapamilya Network

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA virtual mediacon ng ABS-CBN The House Arrest Of Us, pinahayag ni Kathryn Bernardo kung bakit hindi niya iiwan ang ABS-CBN kahit wala na itong franchise.

kathryn at daniel kathniel

“Aside from ABS-CBN being our mother network, sobrang malaking bagay kasi sa akin ang loyalty and ito ‘yung way ko para pasalamatan ‘yung network na kung ano ‘yung meron ako ngayon, lahat ng blessing na nare-receive namin ni DJ dahil sa kompanya. So, ito ‘yung panahon na pinakakailangan n’yo kami. So, hanggang kaya, ayun, nag-star kami, nakipaglaban hanggang makabangon ang ABS-CBN.

“And ngayon na meron kaming chance para mapasaya ‘yung mga tao, mabigyan ng trabaho ang mga crew, bakit ka magno-no sa ganitong opportunity, ‘di ba? So, andito kami, patuloy na naniniwala na babangon ang [ABS-CBN] and we’re praying for that.”

-NITZ MIRALLES