Jennylyn at Dennis enjoy na magkatrabaho

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

INAMIN ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na malaki ang ipinagbago ng working relationship nilang dalawa sa bagong serye nila na I Can See You: Truly. Madly. Deadly sa GMA Network.

Pero ganoon din ang mga fans nila, excited din dahil muli nilang mapapanood ang much-awaited reunion ng dalawa sa primetime, na makakasama rin nila si Rhian Ramos. Huling napanood na magkatambal sina Jen at Dennis sa My Faithful Husband noon pang 2015, kaya limang taon silang naghintay sa kanilang mga idolo. Biro ni Jen, hindi na raw sila nag-aaway ni Dennis sa set, “Noon kasi, away kami nang away sa set, ngayon hindi na kaya mas smooth na ang work namin. Pero ever since naman, masarap katrabaho si Dennis kasi napakagaling niyang actor.”

“Nakatulong naman sa amin ang quarantine para mag-improve ang teamwork namin ni Jen,” sabi ni Dennis. “Mas nai-enjoy naming magkasama sa trabaho, dahil naka-lock in kami, may oras kami para mag-adjust dahil magkasama nga kami araw-araw.”

At si Dennis, mas napansin niya ang hirap ng trabaho ng production staff sa araw-araw na nag-taping sila, kaya ang part ng kanyang talent fee, idinonate niya sa kanila.

Ang #ICSY:TrulyMadlyDeadly ay huli na sa apat na installments ng serye, na makakasama rin nila sina Jhoanna Marie Tan, with the special participation of Ruby Rodriguez. Mapapanood ang weeklong episode simula ngayong Lunes, October 19, 9:15PM sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.

-Nora V. Calderon