Janine Tugonon uupong hurado sa first edition ng Miss Universe PH

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SINO ba ang hindi makakalimot sa beauty queen-turned-international model, ang former first runner-up ng 2012 Miss Universe na si Janine Tugonon. Lumikha siya ng ingay noong panahong muntik nang masungkit ang mailap na korona ng Miss Universe.

janine

Ngayon nga ay nakabalik na ng ‘Pinas ang former beauty queen. But before that idinaan ni Janine sa kanyang social media accounts ang kanyang pagbiyahe pauwi sa sariling bansa. Dalangin niya ay walang maging problema sa kanyang COVID-19 test results.

Sey niya, “boarded now to Ph. praying my test results would be negative hehe. Wouldnt wanna miss MUP. Excited to land, see my family and friends and my dogs!! CANT WAIT.”

Sa bagong sunod-sunod na post ni Janine sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Janine na negative siya sa COVID-19 test results at tapos na rin siya sa quarantine. Nakauwi na rin siya ng Bataan at nakita rin niya sa wakas ang mga aso niya. Hindi rin niya pinalampas ang makatikim ng sago’t gulaman at mga street foods na karaniwang wala sa Amerika.

Ang main reason kaya umuwi ng Pilipinas si Janine dahil uupo siya bilang isa sa mga panel of judges ng first edition ng Miss Universe Philippines pageant na magaganap sa Oktubre 25 sa Baguio Country Club.

Matatandaang after ng kanyang reign bilang Binibining Pilipinas Universe lumipad na siya patungong Amerika at doon ay nag-aral kasabay ng pag-attend ng mga auditions sa iba’t ibang modeling agencies. Hindi rin biro ang pinagdaanan noon ni Janine dahil maraming rejections din siyang naranasan bago napansin at nakakuha ng mga modeling breaks. Hindi rin matatawaran ang kontrobersiyal break-up nila noon ng kanyang boyfriend na inulan si Janine ng batikos. Ito’y pawang kinalimutan na niya habang nag-aaral at sumusubok ng modeling career sa Amerika.

Ang tanong sino kaya ang mapipili ni Janine para manalo ng Miss Universe Philippines sa mga naggagandahan at nagtatalinuhang mga kandidata? Well, alamin sa mismong final competition. Yun na!

-DANTE A. LAGANA