Concert ni Alden unang virtual reality concert sa ‘Pinas

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAG-AABANG na ang mga fans here and abroad ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, excited na sila matapos makabili na ng tickets para sa anniversary concert niya titled, Alden’s Reality. Bakit nga hindi ay ito ang kauna-unahang virtual reality concert na gagawin sa bansa na magaganap sa December 8, 2020, 9:00PM.

Hindi kasi ito tulad sa usual na virtual or online concerts na ginagawa ngayon dahil sa element nitong virtual reality. Gamit ang makabagong technology, magkakaroon ng chance ang mga manonood na makipag-interact kay Alden. At dahil online ito, kahit mga Kapuso abroad ay makaka-join sa panonood. Mapapanood din ito sa may 16 na cities abroad. Nag-release na sila kung ano ang oras ng concert viewing sa kani-kanilang lugar.

Si Paolo Valenciano ang director ng “Alden’s Reality” at ito ay produced ng Synergy: A GMA Collaboration.

Sa ngayon ay ang concert ang pinagkakaabalahan ni Alden, bukod sa daily siyang napapanood sa Eat Bulaga at sa All-Out Sundays, plus ang mga shoots niya ng mga bagong TV commercials.

-NORA V. CALDERON