BJMP, binatikos ni Robredo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Binira ni Vice President Leni Robredo ang hindi umanong makatarungang pagkontrol ng mga awtoridad sa funeral o paglilibing sa tatlong buwang anak ng political prisoner na si Reina Mae Nasino, kamakailan.

Sa kanyang programa sa radyo, inilarawan ni Robredo ang pangyayari na isang “overkill and lacking compassion.”

Samantala, ipinagtanggol ng BJMP ang mahigpit na pagbabantay kay Nasino sa libing ni Baby River noong Oktubre 16.

Kailangan anilang marami ang bantay dahil delikado ang situwasyon.

Si Nasino ay nakaposas at binigyan lang ng tatlong oras para makadalo sa libing ng kanyang sanggol gayong ang orihinal na forlough o paglabas na ibinigay sa kanya ay tatlong araw.

Ang sanggol ay namatay noong Oktubre 9 sa isang public hospital sa Manila, nakahiwalay sa kanyang ina hanggang sa huling sandali ang bata sa kabila ng apela mga abugado ni Nasino na tinanggihan ng korte.

“Are we not mothers, parents too to understand? What we don’t understand is how there was no humanity and the response given was totally unnecessary,” an i Robredo.

Kinastigo rin ni Robredo ang hindi pantay na pagbibigay ng korte ng prebilihiyo sa mayayamang preso na pinapayagang madalaw ng mga kamag-anak na maysakit o kaya’y makadalo sa special occasions, gaya ng graduation, birthday at iba pa.

“Many personalities have been given privileges, and there are some that have been convicted but are not even put in jail,” ani Robredo. “But this was a case of a child dying and her mother was not given the chance to take care of her.”

Samantala, sinabi ng grupong KAPATID na: “The BJMP and government were able to grant much longer days of furlough for former jailed Presidents Estrada and Macapagal Arroyo who spent their entire Christmas-New Year in their own homes”. “A Google search will reveal even longer furloughs and privileges granted by the courts and prison agencies to big time politicos.”

-Bert de Guzman