Ayuda sa nawalan ng trabaho, kapos —SWS

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sapat umano ang aksyon ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) gayuman, kapos ito sa pagtulong sa mga nawalan ng trabaho.

Ito ang naging resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 17 hanggang 20 kung saan 71 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang sapat ang aksyon ng gobyerno sa pagkontrol sa pagkalat ng sakit habang 22 porsiyento ang nagsabing hindi sapat at anim na porsiyento ang hindi pa nakakapagdesisyon.

Nasa 67 porsiyento naman ang nagsabing sapat ang contact tracing habang 23 porsiyento ang nakukulangan at siyam na porsiyento ang hindi pa nakakapagdesisyon.

Nagkapagtala naman ang SWS ng 54 porsyentong naniniwalang sinisiguro ng pamahalaan ang abot-kayang COVID-19 testing habang 33 porsiyento ang nakukulangan, at 11 porsiyento ang hindi pa nakakapagdesisyon.

-Beth Camia