Paragua, tampok sa NLEX Sports Battle of the Minds

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PANGUNGUNAHAN ni United States based Grandmaster Mark Paragua ang ilan sa country’s woodpushers sa pagtulak ng NLEX Sports Battle of the Minds online chess tournament sa Oktubre 25 sa lichess.org.

Ang 1998 World Rapid Under-14 champion Disneyland, Paris, France champion ay nagkampeon sa lahat ng Balinas online event sa gitna ng pandemic gaya ng GM Balinas Memorial Chess nitong Hulyo 19, ang 81st Birthday Celebration ni engr. Antonio “Uncle Paps” Balinas nitong Agosto 22, ang 79th Birthday Celebration ni GM and Atty. Rosendo Carreon Balinas Jr. nitong Setyembre 6 at ang GM and Atty. Rosendo Carreon Balinas Jr. Death Anniversary Memorial Chess Tournament nitong Setyembre 27.

Masisilayan din sina GM Darwin Laylo, FM Alekhine Nouri, John Ranel Morazo, Stephen Manzanero, Prince Mark Aquino, Joemarie Resurreccion, Jan Darryl Batula at Micky Gilbuena.

Ang playing format ng tournament ay 17-round Swiss System na may time control format two minutes plus one second increment bawat player.

Tatangap ang magkakampeon ng P3,000, ang second placer ay magsusubi ng P2,000, ang third placer ay P1,000, ang fourth placer ay P600 at fifth placer ay P400. Ang sixth hanggang 10th placers ay tig P200 , 11th hanggang 30th placers ay tig P100 at ang 31st hanggang 50th placers ay tig P50.

May special prizes din para sa top 3 winners worth P250, P150 at P100, ayon sa pagkakasunod sa bawat category, Senior 55 years old and above, kiddies 12 years old and below at female.