Occidental Mindoro, nilindol

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng Looc sa Occidental Mindoro, kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol, dakong alas-4:06 ng madaling araw. Naramdaman ang intensity IV sa Calatagan, Batangas; Tagaytay City at Cavite.

Naitala naman ang Intensity 3 sa Carmona sa Cavite; Marilao, Bulacan at Talisay sa Batangas. Tinamaan naman ng Intensity 2 ang Plaridel, Malolos City, Calumpit at San Rafael, Bulacan; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Bacoor City; Marikina City; Muntinlupa City; Las Pinas City at Quezon City. Inaasahan na ang aftershocks nito. Ang pagyanig na lumikha ng lalim na 12 kilometro ay sanhi ng tectonic.

-Jun Fabon