Michael V ginunita ang yumaong ama

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MALAPIT na ang November 2 na kung kailan ginugunita natin ang “All Souls Day,” ang araw ng pagaalala sa ating mga mahal sa buhay na pawang namaalam na. Pero itong nakaraang ika-14 ng Oktubre ay hindi makakalimutan ng Kapuso multi-awarded comedian at vlogger na si Michael V dahil ito ang araw ng 1st death anniversary ng kanyang tatay. Sa bilis ng paglipas ng oras, araw at panahon ito ang buwan ng kanilang pagbababang luksa.Ibinahagi ni Michael V sa kanyang Instagram ang picture ng kanyang mahal na ama na si Cesar Felix Bunagan na namaalam last year sa edad na 77. Bagamat may kinakaharap na pandemya ngayon masaya na rin kahit papaano sila Michael V dahil hindi naranasan ng kanyang tatay ang COVID-19 pandemic.

Ani Michael V, “It’s been a year since nagpaalam ang tatay ko. “Somehow, we’re kinda glad na hindi n’ya na inabot ang pandemic. Nakapagpaalam s’ya ng maayos at nasa tabi n’ya kami until his final breath.“‘Tay, wherever you may be right now, everyday I still pray that you’re okay. Please watch over our families and our friends.”Nagcomment naman ang close friend niyang si Ogie Alcasid na kamakailan lang ay pumanaw na rin ang ama. Sabi niya, “Smiling from heaven brother.” Tugon naman ni Michael V: “Malamang magkita sila.”Isa sa mga naiwang alaala ng yumaong ama kay Michael V ay ang husay niya sa pagguhit. Dahil ang tatay niya ang unang nagturo sa kanya kung paano gumuhit. Kaya naman inspirasyon niya ang kanyang ama sa bawat likha ng kanyang kamay sa pagdodrawing.

-DANTE A. LAGANA