Binatang wanted, natimbog

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABANATUAN CITY – Nadakip ng mga awtoridad ang isang binata na matagal nang pinaghahanap ng batas matapos nna matiyempuhan sa Barangay Aduas Sur sa nasabing lungsod, kamakailan.

Kinilala ni City Police chief, Lt. Col. Arnel Dial, ang naaresto na si Aries Bagtas, 34, binata, at taga-739 Block 5, Bgy. Aduas Sur. hindi na aniya nakapalag ni Bagtas nang dakmain ng arresting team sa kanyang bahay. Isinagawa aniya ang pag-aresto batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 27 Judge Angelo Perez sa kasong 4 count of frustrated murder.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P640,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Light A. Nolasco