51st Box Office Entertainment Awards ngayong gabi

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

GAGANAPIN na ang virtual awards night ng 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarships Foundation ngayong gabi, October 18, at mapapanood ang kabuuan ng awards night sa TV5 at sa Facebook ng Box Office Entertainment Awards mula 9:00PM hanggang 11:00PM.

kathryn at alden

Virtual shoot ang mga hosts na sina Robi Domingo at Bianca Gonzales. Ang mga song numbers ay provided nina Darren Espanto, December Avenue, Martine Nievera at Regine Velasquez-Alcasid.

Ang acceptance speech ng lahat ng mga winners ay online.

Matatandaan na dapat ay March 15, 2020 ginanap ang awards night sa Resorts World Manila, in Pasay City, pero hindi ito natuloy dahil nagsimula na ang lockdown bunga ng COVID-19 pandemic.

Tatanggap ng awards bilang Phenomenal Stars of Philippine Cinema sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa movie nilang Hello Love Goodbye na kumita ng more than 1 billion pesos nang ipalabas ito sa bansa on July, 2019. Tinanghal namang Box Office King and Queen respectively sina Aga Muhlach at Xia Vigor para movie nilang Miracle in Cell No. 7 na kumita ng 600 million pesos. Ang mga kinita nila ay mula sa nationwide and international gross sales. Pareho namang nagwaging Film Actor of the Year sina Aga Muhlach at Alden Richards at Film Actress of the Year si Kathryn Bernardo. TV Actor of the Year sa primetime si Coco Martin at si JM de Guzman sa Daytime. TV Actress of the Year si Angel Locsin sa Primetime at Dimples Romana sa Daytime. Comedy Actor of the Year si Paolo Ballesteros at si Maine Mendoza ang Comedy Actress of the Year. Male TV Hosts sina Jose Manalo/Wally Bayola/Paolo Ballesteros at si Tony Gonzaga ang Female TV Host. May mga tatanggap din ng mga Special Awards.

-NORA V. CALDERON