Sabong at OTB, pinayagan na ng IATF sa MGCQ at GCQ areas

Filed under Features, Sports Balita RSS RSS Feed

TAPOS na ang pagdurusa ng sabong community.

Mitra

Mitra

Bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng hawaan sa COVID-19 virus at sa maigting na pakikipag-usap ng pamunuan ng Games and Amusements Board (GAB) opisyal nang binigyan ng permiso ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease ang pagbabalik sa operasyon ng mga lisensiyadong cockpit arena sa bansa.

Sa sulat na nilagdaan nina Cabinet Secretary at IATF Co-Chairperson Karlo Nograles at National Task Force Chairperson at National Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang video conference nitong Oktubre 15, ipinabatid ang pagbabalik ng sabong activities sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Sa naturang sulat, pinayagan na rin ng IATF ang operasyon ng off-track betting station sa horseracing sa mga lugar na may mababang quarantine level kaalinsabay ang pagsunod na istriktong ‘health and safety’ protocol.

“The operation of licence cockpits and the conduct of cockfighting activities shall hereinafter be allowed in the areas placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) or lower, subjects in strict observance with the health and safety protocols and implementing guidelines as may be issued by the Department of the Interior and Local Government (DILG). Provided, that in-person audience, online or remote betting and the live broadcasting/telecasting of cockfights shall not be permitted. Provided finally, that the local government units shall have the final decision on whether such the operation of licensed cockpits and the conduct of cockfighting activities can proceed in their respective localities,” ayon sa sulat ng IATF.

“Off-track horse race betting stations may operate in the areas under the community quarantine classification of General Community Quarantine (GCQ) or lower, subject to health and safety protocols to facilitate the orderly conduct of betting therein,” anila.

Sa kabuaan, inatasan ng IATF ang Regional Task Force COVID-19 na mangasiwa sa mga susunod na ‘request’ sa pagbabalik ng sports activities maging professional o amateur sa maigting na pakikipag-ugnayan sa kani-kanilang Local Government Units (LGU).

Kaagad na nagpahayag ng pasasalamat si GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa pagtugon ng IATF sa kahilingan na makabalik sa hanap-buhay ang libo-libong apektadong personnel at workers ng sabong at off-track betting (OTB), gayundin ang pagbangon ng industriya na tunay na nalugmok matapos ang pitong buwang lockdown bunsod nang paglaban ng pamahalaan sa pandemya.

“We are happy and relieved that millions of people depending on horseracing and cockfighting will be allowed to go back to their livelihood again. We thank the IATF for making sure of the safety of the sabungeros. Our gratitude also to the cockfight operators, breeder associations, our congressmen sympathetic to the industry, agri vet companies, media and others who have one way or another helped push for the resumption,” pahayag ni Mitra.

“My call to sabungero is let’s be safe and follow the strict health and safety protocols provided by the IATF and the DILG,” aniya.

Mula pa nitong Hulyo, ipinaglaban ni Mitra ang pagbabalik ng sabong kahit sa hinay-hinay na pamamaraan upang muling maiangat ang kabuhayan ng mga workers at maibsan ang hirap ng industriya.

Ayon sa datos ng GAB kabuuang 16,173 ang lisensiyadong cockpit personnel kabilang ang mananari, senticiador at manggagamot ang natigil sa kanilang hanap-buhay sa pansamantalang pagsasara ng mga sabungan sa bansa mula pa nitong Marso. Sa inilabas na record ng Gamefowl Commission and UACOOP, may kabuuang 18, 800 ang mga empleyado na konektado sa industriya, habang sa Internal Research ng San Miguel Corp., may kabuuang 15,000 tindahan ng mga gamot, patuka at bitamina ang tinamaan ng pandemic, kaakibat nito ang kabuuang 60,000 empleyado sa buong bansa.

Iniulat naman ng International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA) na kabuuang 200,000 employee sa mga farms sa buong bansa ang apektado sa kanilang kabuhayan.

-Edwin G. Rollon