Brazilian senator nahuling nagtatago ng pera sa underwear

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

SAO PAULO (AFP) — Isang senador ng Brazil na kaalyado ni far-right President Jair Bolsonaro ang nahuli na nagtatago ng pera sa kanyang damit na panloob sa panahon ng pagsisiyasat ng pulisya sa paglilipat ng mga pondo ng publiko para labanan ang coronavirus, iniulat ng lokal na media nitong Huwebes.

Rodrigues

Rodrigues

Sinalakay ng mga opisyal ng Federal ang tahanan ni Chico Rodrigues sa hilagang estado ng Roraima nitong Miyerkules bilang bahagi ng imbestigasyon sa katiwalian.

Natagpuan nila ang 30,000 real ($5,300) cash, na ang bahagi ay nakuha sa underwear ni Rodrigues, kabilang ang “between his buttocks,” sinabi ng mga pangunahing outlet kabilang ang O Globo, Folha de S. Paulo at Estadao, na sumipi ng sources mula sa pagsisiyasat.

Kinumpirma ng federal police sa AFP na sinusubukan nilang lansagin ang isang “possible criminal scheme diverting public funds” na itinabi upang labanan ang outbreak sa estado ng Roraima.

Samantala si Rodrigues ay naglabas ng isang pahayag na sinasabing ang pulisya “did their job carrying out a search as part of an investigation in which I’m cited,” ngunit hindi niya binanggit ang cash o kung saan umano ito natagpuan.

Inireklamo niya na sinalakay ang kanyang “just for doing my job as a legislator” at iginiit na wala siyang ginawang mali.

Inakusahan ni Bolsonaro ang media na ginamit ang kwento upang ilarawan ang kanyang gobyerno na tiwali.