Babawi ang Road Warriors at Aces

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon

(AUF Gym – Angeles City, Pampanga)

4:00 n.h. — Blackwater vs. NLEX

6:45 n.g. — Alaska vs. Magnolia

MAKAAHON mula sa ilalim ng standings ang kapwa tatangkain ng NLEX at Alaska sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup restart sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Parehas nabigo sa unang dalawa nilang laro, magkukumahog ang Road Warriors at ang Aces na makamit ang unang panalo sa ginaganap na PBA bubble. Sisikapin ng Aces na makapasok sa winners circle sa pagsagupa nito sa Magnolia Pambansang Manok sa tampok na laban ganap na 6:45 ng gabi.

Mauuna rito, pipilitin din ng Road Warriors na putulin ang kanilang panimulang back-to-back losses sa pagharap nila sa Blackwater ganap na 4:00 ng hapon.

Unang natalo ang Alaska sa TNT Tropang Giga noong opening ng bubble,95-100 bago yumukod muli sa Meralco noong nakaraang Miyerkules, 81-93.

-Marivic Awitan