Eala, umusad sa Final 4 ng 2020 French Open Juniors

Filed under Tennis Balita RSS RSS Feed

NAISALBA ni Pinay tennis sensation at Globe Ambassador Alex Eala ang kabiguan sa opening sa impresibong ratsada sa deciding game tungo sa 4-6, 6-3, 6-2 panalo kontra Czech Republic’s Linda Noskova, 4-6, 6-3, 6-2, sa quarterfinals ng girls’ junior tournament of the French Open nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Roland Garros sa Paris, France.

Kasaysayan ang naiukit ng panalo ng No.2 seed matapos tanghaling kauna-unahang homegrown Pinoy tennis player na nakaabot sa semifinals Grand Slam event sa nakalipas na 35 taon. Huling nailuklok ang Pinoy sa parehong posisyon ng makapasok sa Final 4 si Felix Barrientos sa 1985 juniors event ng Wimbledon.

Mula sa dikitang laro sa first set, kaagad na umarangkada ang 15-anyps na si Eala para sa 3-0 bentahe sa second set. Tuluyang nakontrol ng Pinay ang tempo nbg laro laban sa No.33 ranked na karibal.

Nakabase sa Spain si Eala bilang iskolar ng Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain. Isa siyang Globe Ambassador mula pa noong 2013.