Alabang golf club, ipinasara ni Fresnedi

Filed under Golf Balita RSS RSS Feed

INIUTOS ni Muntinglupa Mayor Jaime Fresnedi ang pagpapasara sa Alabang Country Club golf course nitong Lunes dahil sa paglabag sa community quarantine protocols and guidelines ng Inter- Agency Task Force (IATF).

“The City Government of Muntinlupa hereby orders you to immediately stop the operations of the golf course upon receipt of this letter, together with the cease and desist order issued by the Business Permits and Licensing Office (BPLO), subject to the conclusion of the investigation being conducted on the matter,” pahayag ni Fresnedi sa liham kay Alabang Country Club general manager Carla Maramara. Ayon kay Fresnedi, ang kanyang desisyon ay batay na rin sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng pulisya ng Muntinglupa at direktiba ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na suspindihin ang operasyon ng Alabang Country Club golf course matapos magsagawa ng isang pocket tournament kamakailan. Ayon sa ulat, isang grupo na kilala Club 515” ang nag-organisa ng nasabing torneo.

Nilabag ng Club 515 ang general guidelines ng gobyerno na pinagbabawalan ang mga non-professional sporting events sa pagdaraos ng mga torneo, competitive events at athletic meet habang umiiral ang general community quarantine sa Metro Manila. Kaugnay nito, naglabas si Alabang Country Club chairman Homer Perez ng statement noong Setyembre 4 na nagpapaliwanag na ang nasabing torneo ay hindi aprubado ng board.

“We would like to firmly affirm that the ACCI (Alabang Country Club Inc) board of directors did not and will never approve of any club tournament in violation of IATF health and safety guidelines for golf clubs,” ani Perez.

-Marivic Awitan