Sen. Bong, ipina-deliver na ang 1500 tablets sa students

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kahapon, September 25, ang 54th birthday ni Senator Bong Revilla, pero sa halip na siya ang tumanggap ng regalo, ay siya ang namigay — more than 1,500 tablets para sa mga mag-aaral na gagamitin nila sa online learning.

A week before his birthday, nagpa-raffle na si Sen. Bong sa kanyang Facebook Live sa mga sumali sa pa-game na ginawa niya.

Ngayon ay natatanggap na ng winners ang mga tablet na ipina-raffle niya sa pamamagitan ng To Go delivery riders.

At ang simple na “Thank you, Tito Bong” ng mga nakatanggap na ng kanilang tablets ay ikinataba naman ng puso ng senador.

Tamang-tama naman dahil next week, Oktubre 5, ay magsisimula na ang online learning ng mga estudyante sa public schools at mapag-aaralan na nila ngayon ang paggamit ng kani-kanilang tablets.

-Nora V. Calderon