Ryza, excited nang mahawakan si baby ‘Night’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Excited na si Ryza Cenon sa nalalapit niyang pagsisilang, two months from now. Baby boy ang first child nila ng boyfriend na si Miguel Antonio Cruz, a cinematographer.

ryza

At may name nang ibinigay sa kanya ang mag-partner: Night. Bakit Night? Ang baby raw ang nagbibigay ng light sa kanilang mga gabi – always good night daw sila.

May reason naman pala si Ryza kung bakit excited na siyang isilang ang kanilang baby boy sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon.

Answered prayer daw ang isisilang ni Ryza dahil akala niya hindi siya pwedeng magkaanak dahil may inverted uterus siya. Kaya dinasal niyang sana’y bigyan siya kahit isang anak lamang, ipagpapasalamat na niya.

At ngayon ngang malapit na siyang magsilang, nilalakasan ni Ryza ang loob niya dahil sa hospital siya magsisilang sa kabila ng ng COVID-19 pandemic.

-NORA CALDERON