Paragua, bumida sa Babin Int’l Online

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PINAGHARIAN ni Grandmaster Mark Paragua ng Pilipinas via tiebreak ang katatapos na Babin Smith Anniversary Cup International Online Chess Tournament kamakailan sa lichess.org.

Tumapos si Paragua ng first-second places kasama si International Master Egor Bogdanov ng Ukraine na may tig 12.5 points sa 3 minutes plus 2 seconds increment time blitz control format.

Dahil sa highest tiebreak points ay nakamit ni Paragua ang titulo at ang P2,000 top purse habang nagkasya si Bogdanov sa second place para sa P1,000 sa kanyang effort sa 442 player’s field.

Nasa third place si Grandmaster Maksat Atabayev ng Turkmenistan na may 11.5 points para sa P500 sa 1-day online chess tournament na isinagawa kaalinsabay ng 24th wedding anniversary celebration nina Mr. Alvin Guevarra, aka “Babin Smith” at Ms. Riza Celajes-Guevarra na suportado nina Ms. Rhoda Celajes-Frei at Ms. Kristine Abegail Guevarra-Gamet of Anchorage Alaska, Mr. Jun Sahagun, Mr. Robin Victoria at Mr. Joseph Young ng Edmonton, Alberta, Canada at Mr. & Mrs. Jerry at Lei Garlit.