Naalala mo pa ba ang bandang Orange and Lemons?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kungmay isang magandang bagay naidulot ang COVID-19 ito ay ang pagkakabuklod ng singers na parang bulang nawala o dili kaya ay into semi-retirement. Umiral ang collaboration between entertainers. Namayani ang pagkakaisa among singers na nagbabalik recording tulad ng Side A at APO Hiking Society.

orange and lemons

Balik recording na rin sa single na pinamagatang You Bring Out My Best ang grupong Orange and Lemons. Their most delightful work to date ayon sa songwriter at producer na si Clem Castro. Ito ay most poetic na intended para sa commercial project.

Sa paglipas ng panahon ay pinatunayan ng grupo na kaya nilang makipagsabayan sa mga baguhang banda, at mapanatili ang orihinal na tunog.

Taong 1999 nang mabuo ang pop rock band at ilan sa big hits nila ay Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby), Pinoy Ako (ang theme song ng Pinoy Big Brother show) at Yakap Sa Dilim.

Ang You Bring Out My Best ay available on all digital platform worldwide via Lilystars Records.

-REMY UMEREZ