Angel at Neil back at one ang wedding preparations

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Sinabi ni Neil Arce sa isang panayam na ni-reschedule nila ni Angel Locsin ang kanilang sana’y November 2020 wedding para sa next year.

“It’s going to be moved to early next year. But of course, it depends on the situation with the pandemic,” pauna ni Neil.

Nabanggit din ni Neil na na-consider nilang ituloy sa November ang kanilang wedding, pero intimate wedding dahil nga sa pandemic.

“We were thinking, ‘Should we do it small? But that’s not us e. We’re friends, we have a group of friends. We want everyone to be there. We want everyone to have fun.

“And you know, Angel didn’t attend their prom. She didn’t have a debut. So this is the only big party she’s going to have,” patuloy ni Neil.

Ayon naman kay Angel, between her and Neil, mas hands-on si Neil sa wedding Preparations.

“Actually mas bridezilla siya. Ako kasi yes or no lang, okay o hindi. Ganun lang ako. Pero nahanap na niya ‘yun lahat. Iye-yes or no ko na lang sa kanya. Ganu’n siya.”

Dahil hindi nga matutuloy sa November this year ang kanilang wedding, sabi ni Angel, kailangan nilang ulitin ang mga plano.

“Tapos na dapat siya eh. Better na safe ang lahat at confident na walang sakit, so Ithink best decision namin na i-move na lang ‘yung weding,” ayon pa kay Angel.

-Nitz Miralles