Winwyn, tuloy ang training

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA kabila pala ng pinagdaraanan nating pandemic ngayon, tuloy pa rin si Kapuso actress-beauty queen Winwyn Maquez sa kanilang training bilang military reservist. Sa isang Instagram post ipinakita ni Winwyn kung paano mag-assemble at mag-disassemble ng 45-caliber gun at M16 rifle. First time iyong ginawa ni Winwyn kaya siniguro niyang matandaan at isapuso ang natutunang tatlong bagay – ‘safety, safety, and safety’ – bago pa man siya humawak ng baril.

winwyn

“Ang kagustuhan kong maprotektahan ang aking pamilya at mapaglingkuran ang bayan ang nagtulak sa aking maging bahagi ng military reservist team,” pahayag ni Winwyn. “Siguro, the fact that I know how to protect my family and even the people that I don’t know kapag may emergency.

“Pero the biggest factor was ‘yung sinabi na you can serve people. Dun pa lang, hindi na ako nagdalawang-isip kasi my heart is for service. I’m not sure if people noticed this but ‘yung path ko laging papunta doon. Yes, I’m a beauty queen pero I see this as a new title and I’m proud to share this with everyone – that I’m gonna be a reservist under the marines.”

Sa kabila ng lahat, hindi pa rin maisasantabi ni Winwyn ang showbiz, dahil isa siya sa bibida sa second episode ng drama anthology na I Can See You: High Rise Lovers na makakasama niya sina Lovi Poe at Tom Rodriguez. Mapapanood na ang week-long episode simula sa October 5, sa GMA Telebabad.

-NORA V. CALDERON