Rhian Ramos, enjoy sa gray character roles

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Mataposang ilang buwang walang trabaho, sumalang na rin sa lock-in taping si Rhian Ramos para sa last episode ng drama anthology na I Can See You, titled “Truly. Madly. Deadly.” Makakasama niya sa episode ang real-life Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

rhian

“Ang nakakatuwa sa kwento na ito, lahat ng three lead stars, gray ang mga characters nila, hindi sila perfect, hindi rin sila masama, parang mga biktima sila ng circumstances,” kuwento ni Rhian. “First time kong gumanap sa ganitong role kaya, enjoy ako for the opportunity na ibigay sa akin ang character niya.”

Mapapanood na ito, simula Oktubre 19, sa GMA Telebabad.

Samantala, bukod sa bagong series, malapit na ring mag-lock in taping si Rhian kasama sina Carla Abellana, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes para sa fresh episodes ng drama series na Love of My Life.

Nora V. Calderon