Paolo Contis, na-touch sa regalo ni Jose Mari Chan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Isang nakaka-touch na pag-alaala sa ama ni Paolo Contis ang pagkukumustahan nila ni Jose Mari Chan sa GMA Artist Center online show na Just In. Sa kanilang pag-uusap, naitanong ng tinaguriang Father of Philippine Christmas Music kay Paolo kung saan nagmula ang apelyidong ‘Contis.’

paolo contis

“My father was Italian, Sir,” sagot ni Paolo at naikuwento niya kay Jose Mari na pumanaw ang kanyang amang si Renato Contis, sa edad na 66-anyos . “ He had cancer. He had a good fight. He fought for eight years.”

Nagulat si Paolo na after niyang ikuwento ang nangyari sa ama, sinabi ni Jose Mari na may ipadadala siyang regalo para sa kanya at sa kanyang ina.

“Paolo, this is what I’m gonna do for you and your mom. I am going to put together maybe two or three CDs of my favorite canzone, Italian songs. I will give that to you and I want you to invite your mom, while you’re having dinner while you’re together, play all those songs in memory of your late father.”

“Thank you! She would love it! Kinikilig ako!,” masaya sagot ni Paolo.

Sana ay i-post naman ni Paolo sa kanyang vlog kung ano naging reaksyon ng Mommy niya sa gift sa kanila ni Jose Mari Chan.

-NORA V. CALDERON