Online shopping tips ni Rayver Cruz

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

IdinaoS kamakailan ang Super Shopping Day TV Special sa pangunguna ni Jose Mari Chan, ang Shopee brand ambassador. “He is the face and icon of the Christmas season,” pahayag ni Martin Yu, Shopee Philippines Associate Director. Ito ang pangalawang taon na pinili ang singer /songwriter ng Christmas In Our Hearts bilang brand endorser.

Mabituin ang TV special tampok ang mga Kapuso Stars. Isa na rito si Rayver Cruz, na admittedly ay addicted sa online shopping.

Para kay Rayver whose TikTok dance covers ay mayroon ng 1.6 M followers, “super convenient ang shopping online at safe dahil hindi na kailangang pumunta sa mall.”

Ano ang isang bagay na binili ng actor online which he can’t live without? “My phone cases na palagi kong pinapalitan depende sa mood,” lahad niya.

At may tips si Rayver para sa safe online shopping: “Just enjoy shopping online para sa madali at safer transactions. Very convenient using Shopee pay for cashless transaction. Huwag kalimutang mag-sanitize all your deliveries bago buksan at maghugas ng kamay after getting your packages.”

-REMY UMEREZ