Maja nagpaalam, sa ibang network muna lalabas

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAY mga nalungkot nang mabasa ang pagpapaalam ni Maja Salvador sa kanyang Instagram na magtatrabaho muna siya sa ibang network at kahit hindi binanggit, alam na sa TV5 muna magtatrabaho si Maja.

maja

“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN.

Mga Kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si Mr. M kaya sana wag po kayong magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma.

Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. Maraming salamat po.

Walang binanggit si Maja kung anong show sa TV5 ang gagawin niya, pero nabalita nang kasama siya nina Piolo Pascual at Catriona Gray na magho-host ng Sunday show na may pamagat na Sunday Noontime Variety Show.

Mukha namang naintindihan ng Kapamilya fans si Maja dahil walang nam-bash sa kanya. Nangako pa nga ang Kapamilya fans na panonoorin ang kanyang show kapag umere na sometime in October.

Suportado rin si Maja ng mga kaibigan sa ABS-CBN gaya nina Julia Barretto, Kim Chiu, Erich Gonzales, Alex Gonzaga, at iba pang kaibigan sa ABS-CBN. Hindi naman tuluyang aalis si Maja sa Kapamilya Network dahil kapag nagbukas uli ito, tiyak na babalik din siya.

-NITZ MIRALLES