Hannah Precillas, idinaan sa awit ang mensahe sa fans

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Relate na relate si Kapuso OST Princess Hannah Precillas sa kanyang pinakabagong single na Sabi Ko Na Nga Ba sa ilalim ng GMA Music.

Sa kantang isinulat ni Jerry Olaguer ay masusubukan ni Hannah ang novelty genre. Tungkol ito sa isang tao na hindi masabi ang tunay na nararamdaman sa kanyang minamahal.

“This song is telling us that whenever we have something that should be told, take the opportunity to tell that person when you still have the chance. Because one of the hardest things in life is not doing or saying what you really want at the moment and regret about it in the future where you don’t have any chance to go back and do what you should’ve done,” pagbabahagi ni Hannah.

-MERCY LEJARDE