Boy Abunda, may balak lumipat ng channel?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA kanyang the Boy Abunda Talk Channel, a.k.a Batalk Channel on YouTube (sa episode na Talk About Talk (TAT) ay isiniwalat ni Boy Abunda ang mga saloobin hinggil sa pagsasara ng ABS CBN. Ang network na minahal at pinaglingkuran niya sa loob ng dalawang dekada. Naging emotional si Abunda sa nararamdaman niya para sa mga Kapamilya na nawalan ng trabaho.

Maraming Kapamilya ang lumipat sa ibang network particularly sa TV 5. Lilipat din kaya si Boy kung saka-sakali? “Ikokonsidera ko after December 31 2020 in deference to ABS CBN. Hindi pa ako ganap na nakapagluluksa sa pagpanaw ng aking ina na agad sinundan ng closure na ABS CBN. Ito ang pagkakataon para ako makapag-isip at magnilay and be a better person.” Interesado ba na pasukin ang politika? Sa ngayon ay wala siyang katiyakang tugon. Samantala, may bagong twist ang Fast Talk segment na tinawag niyang Fast Talk ng Bayan. Abangan din ang showing ng mga short at independent films under boyabunda originals sa kanyang Facebook fan page ay naka-post ang mga random thoughts at videos of encouraging words via Spoken Mula sa Puso.

Anong uri ng kasuotan ang ipaparada ni Abunda? Sana it is not something ridiculous or katawa-tawa.

-REMY UMEREZ