BG Productions humahataw kahit pandemic

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Muli na namang sumungkit ng parangal ang BG Productions International via the movie Latay (Battered Husband)sa Wallachia International Film Festival sa Romania nang gawaran ito ng Gold Prize.

Ang pelikula ng award-winning director na si Ralston Jover ay tinatampukan ng mga premyadong alagad ng sining na sina Allen Dizon at Lovi Poe. Kasama rin sina Snooky Serna, Mariel de Leon, Soliman Cruz, Adrian Cabido, Renerich Ocon, Tabs Sumulong, at iba pa.

Tinatalakay ng pelikula ang pambubugbog ng misis sa kanyang mister.

Sa ginanap na presscon sa Marco Polo Hotel sa Ortigas kamakailan, nagpahayag ng kagalakan ang lady boss ng BG Films na Ms. Baby F. Go.

“I’m so happy na nandito tayo, nagkita-kita, nagsama-sama na parang isang pamilya ng BG, I’m so happy… Ngayon, nagpapasalamat ako dahil hindi lang sa ating new project kundi yung aking movie na kung saan-saang lupalop ng mundo ay nandoon siya. Lumalaban sa pandemic, kahit saan, buhay ang ating movie from the BG Production International,” wika niya.

Mercy Lejandre