Alden may pasabog sa December

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NABULABOG ang fans ni Alden Richards sa teaser nitong sorpresa niya sa fans. Nag-post ang Kapuso actor sa kanyang Instagram: “Malapit na tayong magkasama uli! Save the date: Dec. 8! #AldensReality #AldenRoadToTen.

alden

Wala pa mang detalye si Alden kung ano ang mangyayari sa December 8, marami na ang humula na digital concert ang mangyayari sa binaggit niyang petsa dahil may naka-schedule siyang concert last July this year to celebrate his 10th year in showbiz. Unfortunately, hindi natuloy ang concert dahil nga sa COVID-19.

Sa isa niyang interview, nabanggit ni Alden na itutuloy niya ang kanyang concert at heto na nga. Kaya ang fans ng aktor, nagsisimula na uling mag-ipon para makapanood sa Alden’s Reality. May mga magpa-file na nga ng leave to be sure na mapanood kung anuman ang meron sa Dec. 8.

-NITZ MIRALLES