Rocco at Melissa, 3 years na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TIME to rest na muna si Kapuso actor Rocco Nacino, ngayong natapos na silang mag-taping ng buong cast ng GMA Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun, sa sabi nga niya na ‘last week was a stressful week,’ dahil naka-lock-in nga sila at tinapos ang natitirang 10 taping days ng serye.

Kaya tamang-tama naman ang pagkatapos ng taping dahil last September 18, nag-celebrate sila ng 3rd year anniversary nila ng girlfriend na si Melissa Gohing. Sa video he posted sa kanyang Instagram, kita mo ang saya nina Rocco at Melissa, sa isang beach na hindi niya binanggit kung saan. Heto ang caption ng actor:

“A beautiful surprise from my love, @gohingmelissa on our 3rd anniversary! Grabe ka dito love, thank you for always being the best at what you do, and what you do for me. I love you, Happy 3rd Anniversary to us Mi Amor! I love you Mel!”

Tiyak ang susunod nang ipo-post ni Rocco sa kanyang Instagram ay ang paglipat niya sa kanyang bahay, na natapos na bago siya nag-taping ng DOST Ph ay ipinakita na niya at ipapasok na lamang ang mga furnitures na binili niya.

Nora V. Calderon