Nag-‘rape joke’ kay Liza, nag-public apology

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NABASA namin ang public apology ni Melissa Olaes sa “rape” joke niya patungkol kay Liza Soberano na nag-trending at naging dahilan para siya’y ma-bash. Kapansin-pansin lang sa apology ni Melissa na in general at hindi kay Liza ang paghingi niya ng tawad.

Head Personnel ng Sales ng Converge ICT Solutions Inc., na dating internet provider ni Liza si Melissa na nag-comment ng “Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya ‘di bale masira ang image magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga…Ewan.”

Mahaba ang post ni Melissa at nakalagay na ikinagulat niya ang pagti-trending niya sa Twitter dahil wala naman siyang Twitter at IG. Hanggang nalaman niyang na-screenshot ang FB comment niya sa isang pribadong usapan ng isang kaibigan. Na-bash na nga siya, may mga nagpi-PM sa kanya ng masasakit na salita at idinamay ang kanyang pamilya at relatives. Part ng post ni Melissa: “Nauuwaan ko po kayong lahat…hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE. Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-iisipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya- random thought sa isang pribadong usapan. Ang salitang RAPE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact. Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment. Dahil dito, ako ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko.”

Nabanggit din ni Melissa na walang kinaalaman ang kanyang kumpanya sa kanyang “rape” comment tungkol kay Liza. Nag-sorry din siya sa kanyang mga anak, kapatid, mga pamangkin, mga kamag-anak. “Sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo. At sa mga kaibigan na nakakakilala sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat. At lalo’t higit sa inyong lahat… isang taos pusong paghingi ng paumanhin po.”

O, ‘di ba, hindi niya nabanggit si Liza sa kanyang public apology. Tanggapin kaya

ito ni Liza na may mga nagpapayo kay Liza na ituloy kung anuman ang hakbang na gusto niyang gawin bago pa mag-public apology si Melissa. Ang katuwiran ng mga taong malapit kay Liza, hindi biro ang rape at kung palalampasin ni Liza, baka maulit pa. Ang sagot nito ni Liza, “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.” Dapat siguro, harapin ni Melissa ang ka-chat niya dahil baka naman ‘yun ang nagpakalat ng private chat nila at ano ang rason?

-Nitz Miralles