Julia, ibinalandra ang fit na katawan

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“FAKE news” ang reaction ni Julia Barretto sa pasabog ni Jay Sonza na “nabuntis” siya ni Gerald Anderson. Wala ng ibang sinabi si Julia at ang ginamit pang picture sa kanyang post ay very fit siya at sexy.

julia

Si Gerald naman, idinaan sa biro ang reaction na “Congratulations to me” at pinost pa ang pagko-congratulate sa kanya ng mga kaibigan.

Nagtawanan din ang mga kaibigan ni Julia sa fake news na preggy siya at sabi pa ni Jay, resulta ng lockdown at lockdown baby daw ang kanyang ipinagbubuntis.

Sabi naman ni Marjorie Barretto, ang ina ni Julia, “My family. We love well, we pray hard, and we are definitely stronger together.”

May dagdag ding reaction si Gerald na ang sabi, “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng “FAKE NEWS”… Akala ko magiging “FAKE NEWS” din ang “a soldiers heart”.. This video is our test shots and our taping was delayed for months after this. But we still had hope… never lose hope.”

-NITZ MIRALLES