EA Guzman may clothing line na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASAYA si Kapuso actor EA Guzman na sa kabila ng pinagdadaanan nating pandemya ngayon, nakakuha naman siya ng paraan para kumita habang wala pang schedule ng work. Ito ay ang pagpasok niya sa pagnenegosyo. Nagsimula siya sa food business, dahil sa masarap na paraan ng pagluluto ng kanyang Mommy ng Adobong Tuyo. Ino-order ang ‘Adobong Tuyo ni Mommy Sarrie,’ online at ipinadi-deliver niya. Ngayon, may pinasok siyang bagong business, ang clothing line na malapit na niyang i-launch.

“Kapag nag-post kasi ako ng OOTD (outfit of the day) sa social media, nakikita nila yung shirts, kung paano yung porma ko,” paliwanag ni EA sa interview sa kanya sa 24 Oras. “Maraming nagtatanong, ‘saan mo nabili yung shirt mo?’ So naisip ko bakit hindi ako magtayo o mag-business ng clothing line na ako mismo ‘yung pipili ng tela ng shirt, ako mismo ‘yung pipili ng design.

“Kahit wala akong background sa business management, marami naman akong natutunang business skills at strategies mula sa mga kaibigan kong negosyante. Kaya sa mga gustong magsimula ng business, gawin na natin. Kung susugal tayo, sugalan natin. Tiwala lang sa gusto nating mangyari, tiwala lamang sa goal natin sa buhay.”

-NORA V. CALDERON