Alden may sorpresa sa fans

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAAGANG nag-post sa kanyang Instagram si Alden Richards para sa kanyang mga fans kasabay ng kanyang 10th anniversary in showbiz. Sa Instagram post ng actor: “Malapit na tayong magkasama ulit. Save the date: December 8! #AldenReality #AldenRoadToTen.”

Wish ng mga fans ni Alden, tapos na ang pandemic nating pinagdaraanan ngayon dahil nami-miss na rin nila iyong madalas na nakakasama nila ang idol nila sa anumang event nito, sa loob ng more than six months na. Kahit kasi may mga launch si Alden ng kanyang shows or endorsements ngayon, lagi itong virtual at mapapanood lamang nila sa social media pages ng produkto.

Samantala, isa si Alden sa mga celebrity ambassadors ng “Bida Ang May Disisplina” campaign ng Department of Interior and local Government (DILG), Department of Health (DoH), at mga pribadong grupo. Ayon kay Alden, nais niyang magamit ang kanyang impluwensiya para makatulong na matuldukan ang COVID-19 crisis sa bansa. Layunin kasi ng kampanya na ituro at ipaalaala ang wastong pag-iingat laban sa virus.

-Nora V. Calderon