Kris Bernal freelancer na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TOTOO ang balitang freelancer na si Kris Bernal, nang mag-guest na siya sa isang show ng TV5. Kasunod nito ay inamin na niya sa kanyang YouTube vlog, na nag-expire na ang contract niya sa GMA Artist Center (GMAAC). Nag-expire na nga ito early September at bago siya nag-guest sa TV5 ay nagpaalam pa rin siya sa GMA, at pumayag naman sila.

kris bernal

Bale thirteen years nang Kapuso si Kris, pagkatapos niyang manalo, with Aljur Abrenica, sa StarStruck 4.

“Right now, I can say that I am a freelancer and I have no manager yet. Hindi pa po ako nakakapag-decide, pinag-aaralan kong mabuti kung sino ang puwedeng mag-handle sa akin, someone na dapat maging comfortable ako.”

Wala pa raw bagong offer kay Kris ang GMAAC.

“In all honesty, I think everything is still uncertain during these times and I totally understand it. I have no disagreement or issues with my home network and I never had I think I’ve been really cooperative and really professional with all my dealings with them. I’m just really praying to God where he will lead me. I trust His plans and I leave my options open.”

Sa isang Instagram post ni Kris, magkasama sila ng boyfriend na bumisita sa construction site ng ipinatatayo nilang bahay, na hininto muna nila dahil hindi pa rin sila sure kung matutuloy na silang magpakasal sa May, 2021, dahil hindi rin sila makapagplano ng wedding tulad nang pagpapa-reserve ng church dahil nga sa dinaranas nating pandemic ngayon.

-Nora V. Calderon