Baby boy for Mark Herras at Nicole DonesaNi

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PAGKATAPOS i-announce ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa na preggy na of five months si Nicole, isinunod na rin nila agad sa kanilang vlog na magkakaroon sila ng simple gender reveal party.

mark herras

At sa kanilang YouTube channel, ni-reveal nilang baby boy ang kanilang first child at ang name nito ay ‘Corky’ na mula sa name nila: Co for Nicole, rk for Mark at y for baby or ‘Corky.’

Sa livestream naman ni Nicole para sa Descendants of the Sun PH, na isa sa cast si Nicole, ang DOTS How To Do It, ikinuwento niya na malakas na ang kutob niya na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.

“I think I’m having a boy ‘coz I’m so tamad to get ready kahit iba-brush ko lang yung hair ko and konting lipstick, tamad na tamad akong gawin. Sabi rin nila kapag babae raw ang magiging baby mo, magkikay-kikay, mag-ready and ang active mo. Ako, I just wanna lay down ang sleep tapos wala akong gana talaga kundi mag-listen ng music or watch TV.”

“See you in 4 months CORKY,” meaning sa January, 2021 isisilang ang first child nina Mark at Nicole.

-NORA V. CALDERON