Karen Davila, ninerbiyos sa pagbabalik sa ‘TV Patrol’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BALIK- TV PATROL si Karen Davila nitong Miyerkules, September 16, at sinabi niya na nakaramdam siya ulit ng nerbiyos nang sumalang sa news program.

karen davila

“What an HONOR to be on #TVPatrol tonight with @kabayannolidecastro & @bsaguinaldo… Sa totoo lang, kinakabahan at nininerbyos ako nung una. I haven’t done #TVPatrol in 10 years and I haven’t done #Bandila in almost 7 months,” post ni Karen sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi rin ng news anchor na 10 years siyang kapamilya ng TV Patrol bago nalipat sa panggabing news program ng ABS-CBN na Bandila, with Julius Babao.

“I was last [seev] in TV Patrol 2004-2010 with Julius & Ted then moved to Bandila from 2010-2020 with Julius & Ces,” pagpapatuloy niya.

“Noong nagkaroon ng COVID, the late night newscast went off air mid-March for safety reasons… hanggang sa tuluyan nang hindi na-renew ang franchise.”

Todo-pasalamat ni Karen sa patuloy na blessings na kanyang natatanggap sa Diyos.

“But look how God works. Eto at nakapag-sit in pa ako tonight! Talaga naman si Lord, puro surprise.

“Taking it one day at a time. So happy to be with you in the studio again @kuyakim_atienza @gretsfullido #sept162020 #abscbnkapamilya #livegrateful #istandinfaith.

-ADOR V. SALUTA