Adventure at romantic movies sa GMA-7 ngayong Linggo

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HANDOG ng GMA Network angmga movie nasiguradong magpapasaya sa Kapuso viewers ngayongLinggo, Setyembre 20.

Humanda sa isang exciting na adventure sa The Peanuts Movie na mapapanood sa Kapuso Movie Festival. Tampok ditto ang paboritong animated characters nina Snoopy at Charlie Brown. Panoorin ang magiging journey ni Charlie sapagpapakitang-gilas niya sa bago nilang kapit-bahay na si Little Red-Haired Girl.

Samantala sa GMA Blockbusters, may hated na kilig vibes naman ang 2019 romantic film na Cara x Jagger kung saan tampok ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith. Tunghayan ang kuwentong ex-lovers nasina Cara at Jagger namuling magkakasama para tulungan si Jagger na maibalik ang kaniyang nawalang memorya dahil sa amnesia.

Huwag palalampasin ang mga pelikulang ito ngayong Linggosa Kapuso Movie Festival pagkatapos ng Idol sa Kusina at sa GMA Blockbusters pagkatapos ng Dear Uge sa GMA-7.

-MERCY LEJARDE