Suweldo ng bgy. nurses, dinagdagan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

DAGUPAN CITY – Dinagdagan ng city government ang buwanang sahod ng mga barangay nurse ng lungsod bilang pagkilala sa kanilang serbisyo sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang naging pagsya ni Mayor Brian Lim nang makipagpulong ito sa mga barangay nurse at midwife sa city museum nitong Huwebes.

Ayon sa alkalde, dinagdagan nito ng P6,000 ang dating P9,000 na sahod ng mga ito sa kada buwan.

“Mula ngayon, tatanggap na kayo ng P15,000 kada buwan,” sabi ng alkalde sa 41 barangay nurse na dumalo sa nasabing pulong.

Ang mga barangay nurse sa Dagupan City ay karaniwang mga job order worker.

Napapanahon na aniyang itaas ang kanilang buwanang sahod upang maipakita ang suporta ng city government sa mga ito, lalo na sa kanilang sakripisyo ngayong pandemiya.

-Liezle Basa Iñigo