Foreign coach, interesado sa UST Tigers

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

BUKOD kay dating PBA import na si Sean Chambers, isa pang dayuhan ang nagsumite ng liham para mag-apply na bagong coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers.

Kasabay ng dating manlalaro ng Tiger at kasalukuyang St.Clare College mentor na si Jinino Manansala nagsumite din ng kanyang “letter of intent” si dating Thailand Men’s National Basketball Team head coach Chris Daleo.

Madalas na panauhin sa bansa si Daleo noong head coach pa siya ng Hi- Tech Bangkok City. At huli syang nagtungo ng Pilipinas noong nakaraang Disyembre para sa 30th Southeast Asian Games.

At ang nakita nya at naranasang pagtangkilik ng mga Pinoy sa basketball ang naging dahilan kung bakit gusto nyang makapag coach sa Pilipinas.

Si Manansala naman na naglaro sa ilalim ni coach Aric del Rosario noong 1999 hanggang 2003 ang dapat na papalit kay coach Bonnie Garcia bilang head coach ng Tiger Cubs, ngunit nagbitiw ito kasama nina coach Aldin Ayo dahil bahagi din sya sa kontrobersiyal na Bicol training ng Tigers.

Humabol din sa aplikasyon para maging bagong coach ng UST si US-based at dating Metropolitan Basketball Association player Lenny Reyes.

Nagpasa na rin si Reyes mula US ng kanyang aplikasyon sa Institute of Physical Education and Athletics sa pamamagitan ng e-mail.

-Marivic Awitan