Online class puwedeng suspendihin kung may bagyo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Maaari pa ring masuspinde ang klase ng mga mag-aaral sa bansa kung may bagyo, kahit pa online o distance learning na ang ginagamit ngayon sa pagtuturo.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, kadalasang nagkakaroon ng brownout o pagkawala ng suplay ng kuryente kapag may bagyo kaya’t tiyak aniyang masususpinde rin ang pasok ng mga bata.

“Ako personally, ang tingin ko dapat walang pasok sa araw ng bagyo o ‘yung nagre-restore pa [ng kuryente], pero hindi kasing haba ng dati,” paliwanag ni San Antonio, sa isang virtual briefing.

“[Only] for those doing online, but for those doing the printed self-learning modules, talagang ‘yung araw lang ng bagyo siguro saka ‘yung araw na nag-aayos pa ‘yung mga bahay pero ‘pag ready na, hindi na extended ‘yung disruption sa pagpasok ng mga bata,” aniya pa.

Mary Ann Santiago