Hospitals sa vaccine trial hinati sa walo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sa layuning maging maayos ang pangangasiwa, hinati sa walong zones ang mga ospital na tututok sa COVID-19 vaccine trial.

Sa idinaos na briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na lima ay nasa Metro Manila, isa sa CALABARZON, at tig-isa rin sa Cebu a Davao.

Sa NCR, mangunguna sa vaccine clinical trial ang Philippine General Hospital (PGH), San Lazaro Hospital, at Manila Doctors sa Manila; Lung Center of the Philippines at St. Lukes Medical Cente sa Quezon City; RITM at Makati Medical Center sa South, habang sa gawing Pasig, San Juan, Pateros, Taguig ay ang St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City (BGC) at The Medical City.

Kasama rin ang Vicente Sotto Memorial Medical Center at Chong Hua Hospital sa Cebu zone; sa CALABARZON ay ang De La Salle Health Sciences Institute; at sa Davao ay ang Southern Philippines Medical Center.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang zoning guidelines na nakapaloob sa Resolution No. 68.

-Beth Camia